DE NOVO

Ang bilis ng mga pangyayare eh; okay, hindi, okay, hindi, hindi, hindi, hindi na talaga, katotohanan, pagpaparaya. Di ko akalaing may mapagdadaanan akong ganun at makakaramdam ako ng ganun. At some point in your life talaga, may isang pagyayari o taong makakagawa ng mga ganung bagay sayo, at bibigyan ka ng pinakamasakit sa mga pinakamasasakit. Umiyak ako ng ilang balde, nagisip ng sobra sobra, nagwala. Para akong baliw grabe. Kahit ako naawa sa sarili ko, pero di ko alam kung pano ko ako bubuhatin pataas. Pero ngayon, unti unti na lumilipas. May kaibigan ako na kagabi ko nalang ulit nakita, at nakakagulat ang bera nya: “Anong bago sayo? Ngayon lang kita ulit nakitang ganyan kasaya. Totoo! Ang ganda ng ngiti mo. May kakaiba.” Ewan ko din kung bakit e.. Pero eto ang sakin, kahit gaano pa kahirap marinig at malaman ang katotohanan, papalayain neto ang puso at isip mo. Siguro yun lang talaga ang tumulong sakin, katotohanan.

***Pinapanalangin ko na sana, dun sa mga taong umapak sakin, baguhin na nila ang mga pamamaraan nila dahil sa huli, sila rin naman ang magdudusa. Naniniwala kasi ako sa karma e. Ayusin sana nila yung gusot na ginawa nila at magsorry sa mga taong nadamay.. At salamat narin, dahil pinatibay nila ako.

***Sa mga kaibigan ko, umaapaw ang appreciation at pagmamahal ko dahil di nila ako iniwan. Naging matyaga sila sakin kahit may mga oras na tinutulak ko na sila palayo sakin.. Grabe siguro kung di nila ako pinatawa at sinamahan, di rin ako magkakaron ng kalinawan.

***Sa mga taong nagtext/nagmessage/nagcomment sakin, salamat sa inyong concern at mga payo. Pinakinggan ko po kayo.

Hindi ko ikakailang kahit napakahirap ng pinagdaanan ko eh ganun padin ang nararamdaman ko. Mahal ko parin sya tulad dati. Siguro, ang Diyos na ang bahala kung paano na ang magyayare sa storya naming dalawa. Hindi ako mageexpect. Bahala na muna sa ngayon, basta gusto ko lang maging masaya.

3 months ago
  1. dannamansanas posted this